Ano ang pangalan niya?
by: The Editor
Mayroon bang pangalan ang Diyos?
Kung mayroon, ano ang pangalan niya?
Alam mo ba na lahat ng bagay sa mundong ito ay mayroong mga pangalan?
Ang mga hayop ay mayro’ng mga pangalan, ang mga halaman, ang mga microorganism, ang hangin at mga materya nito, ang tubig, ang mga element sa periodic table, ang mga hugis at mga sukat nito, at maging ang mga bagay na ‘di natin nakikita gaya ng ibang mga planeta at galaxy, at clusters sa labas ng ating Solar System, lahat ng iyon ay mayroong mga pangalan.
Kumusta tayong mga tao?
Tayong mga tao ay mayroon ding pangalan. Tama ba? Sinasabi ng Bibliya na ang tao ay nilikha ayon sa ‘larawan ng Diyos.’
“Pagkatapos, sinabi ng Diyos: “Gawin natin ang tao ayon sa ating larawan, ayon sa ating wangis.” (Genesis 1:26) Gayundin naman, pinasisigla tayo ng Bibliya na ‘maging mga tagatulad tayo sa Diyos.’ (Efeso 5:1)
Kung nilikha tayo ayon sa larawan ng Diyos at pinasisigla tayo ng salita niya na tularan siya, bakit tayong mga tao lang ang may personal na mga pangalan at hindi ang Diyos?
Kung totoong walang pangalan ang Diyos, paano natin siya higit na makikilala at pagtitiwalaan?