Experience is the best... teacher?

by J.B.

teacher, finger, people-145378.jpg

Naniniwala ka ba sa kasabihang “experience is the best teacher?”

Malamang na sasang-ayon ang karamihan sa sikat na kasabihang ito. Sa kaisipan ng sanlibutan ay totoong-totoo ito. Pinatutunayan pa nga ng mga tao na base sa kanilang mga karanasan sa buhay ay natuto sila ng mahahalagang aral o leksiyon at nagturo sa kanila para magbagong buhay.

Ang totoo, si Jehova talaga ang “best teacher” natin. Kitang-kita iyan sa mga magagandang katangian at karunungan ni Panginoong Jesus kung gaano kahusay magturo at magtuwid ng mga bagay-bagay ang kaniyang makalangit na Ama. (Juan 14:9, 10) Maraming ulat sa Bibliya ang nagpapatunay na isang mahusay at dakilang tagapagturo si Jehova. Kaya naman kung susundin mo ang mga simulain sa kaniyang salita, ang magagandang aral mula dito, at ang mga payo nito, hindi mo na kakailanganin pang maranasan ang mga pagkakamali na pinagdaanan ng iba at pagdusahan ang masasamang epekto nito para lang matuto sa buhay. Sa halip, tuturuan ka nito para maging matalino o maging mahusay sa pagdedesisyon. Higit sa lahat, hindi ka kailanman maliligaw ng landas at makakaiwas ka sa kapahamakan na kaakibat ng maling mga desisyon.

Ito ang sinabi ni Jehova, ang iyong Manunubos, ang Banal ng Israel: “Ako, si Jehova, ang iyong Diyos, Ang nagtuturo sa iyo para makinabang ka, Ang pumapatnubay sa iyo sa daan na dapat mong lakaran. (Isaias 48:17)

Other Posts

Article by The Editor

Article by J.B.

Scroll to Top