“Mabuting Kalusugan sa Inyo!”
by: J.B.
Photo credit to: wildpixel
Alam mo ba? Ang kawalan ng disiplina sa pagkain gaya ng sobrang pagkain ng matataba, maalat, matamis at ‘di masusustansiyang pagkain na mayaman sa kemikal at harmful preservatives ay walang pinagkaiba sa paglalasing, paninigarilyo, at paggamit ng ipinagbabawal na droga? Ang mga ito ay parehong nagpaparumi sa sistema ng ating katawan at internal organs, at nagdudulot ng iba’t ibang sakit na siyang nagiging sanhi ng panganib sa ating buhay. Samakatuwid, kung gusto nating mapanatili ang ating lakas at mabuting kalusugan para mapaglingkuran ang Diyos ng mahabang panahon, dapat nating igalang at pahalagahan ang buhay na regalo ni Jehova sa atin sa pamamagitan ng tamang pangangalaga dito.
Kailangan nating pangalagaan ito sa pamamagitan ng pagkakaroon ng disiplina, wastong pagkain, at pag-iwas sa mga nagpaparumi sa ating dugo, at pag-iwas sa mga panganib na dulot ng pandemya at iba pang mga nakahahawang sakit. Yamang tayo ay mga di-sakdal kaya di natin maiiwasan ang magkasakit ngunit kung pag-iingatan natin ang ating kalusugan at magiging balanse sa lahat ng bagay, maiiwasan natin ang pagkakasakit, hahaba ang buhay natin at higit sa lahat ay mapanatili natin ang ating lakas sa pisikal at higit pang mapaglilingkuran si Jehova. Tandaan, ang pangangalaga sa ating katawan ay pagpapakita ng matinding paggalang at pagpapahalaga sa regalong buhay at gayon din ng pagpapanatili ng malinis na katayuan sa harap ng Diyos.