Religion and Beliefs

Sa Turo ni Jesus

by: The Editor

Madalas kong iniiugnay ang mga napag-aaralan ko sa school sa mga napag-aaralan at natututunan ko sa Bibliya.

Nung first year college ako, one of my professors gave us an assignment about how does philosophy affects our life. She wants us to search for any philosopher and their philosophy as well, and reflect it sa aming buhay, kung paano namin iyon magagamit.

Nung araw na ipe-present na namin yung aming mga natutunan about philosophers and their philosophical ideas, ang ibinahagi ko ay ang turo ni Jesus tungkol sa Golden Rule. Ikinumpara ko ang turo ni Jesus sa kilalang turo ni Confucius. Instead of accepting the idea of Confucius, ipinakita ko sa kanila kung bakit mas praktikal na sundin ang sinabi ni Jesus.

Ganito ko siya ipinaliwanag, sa turo ni Confucius, ang sabi,

 

“Kung ano ang ayaw ninyong gawin sa inyo, huwag ninyong gawin sa iba.”

Ang sabi ko, ‘If I don’t want my neighbour to bother me, I shouldn’t bother them either.’ That’s the philosophy of Confucius. You just simply do not do things that you don’t want others to do to you. Pagkatapos ay ipinaliwanag ko ang kaibahan nito sa turo ni Jesus.

Sa turo ni Jesus, ang sabi,

 

Lahat ng gusto ninyong gawin ng mga tao sa inyo, iyon din ang gawin ninyo sa kanila

- Mateo 7:12

Pagkatapos sinabi ko sa kanila, ‘Kung gusto kong respetuhin ako ng iba, dapat ko silang respetuhin‘, gayundin naman, ‘Kung gusto kong magmalasakit sa akin ang iba, dapat akong magmalasakit sa kanila.’ Napakasimple!

Kaya ipinakita ko sa kanila na ang turo ni Jesus ay humihiling ng positibong pagkilos sa isang tao. Natuwa naman yung professor ko after ko i-present yung tungkol sa bagay na ‘yan. Isa lang ‘yan sa mga bagay na naiuugnay ko sa mga pinaniniwalaan ko. Marami pang iba. Sa mga susunod na artikulo, ibabahagi ko ang ilan pa sa mga iyon.

 

Other Posts

Article by The Editor

Article by The Editor

Scroll to Top