Proverbs

Ang Matalino at Matuwid

JR Nievas

May mga taong nakakagawa ng maraming kabutihan
ngunit marami din ang pagkukulang na ibinibilang sa kaniya.

Marami ang kabutihan ng isang tao
ngunit nagiging pagkukulang ito sa iba.

Walang pamumuno ang lubhang kinagigiliwan ng mga tao,
Lahat ng iyon ay nagbubunga lamang ng mga kabalisahan, katanungan, at kasinungalingan.

Mas mainam pa sa isang tao ang tumahimik
kung ang mga salita niya naman ay magiging gaya lamang ng mga tinik.

Sino sa atin ang hindi kailanman nakagawa ng kasamaan?
Siya ay isang taong matuwid at perpekto.

Ginugusto ng mga mata ang sinumang ibig nitong makita,
ngunit binubulag naman siya nito sa paraang hindi niya nakikita.

Tumatakbo ang tao sa daan na gusto niyang daanan, wala siyang pag-aalinlangan sa pagdaan niya dito.
Kapag nalaman niyang mali ang kaniyang nilakaran, malayo na siya upang balikan pa iyon.

May mga taong lumalakad sa sarili nilang landas sa pag-iisip na walang masama sa pagtahak dito.
Ngunit anong buti ang makinig muna bago tahakin ang isang landasin!

May mga nag-iisip na hinahatulan sila dahil sa sinabi sa kaniya ng iba,
ngunit hindi alam ng isang tao ang totoong iniisip sa kaniya.

Mabuti ang uminom ng alak. Ngunit anong buti ang idudulot nito
kung gagawi naman sa paraang kapaha-pahamak?

Nananatiling maingay ang gabi ng isang nababalisang isipan.
Mahaba ang gabi kapuwa ng isang matalino at ng isang masama.

Bawat tao ay may sariling kahon kung saan naroroon ang kaniyang mga kaisipan,
Sa labas nito ay kapuwa may positibo at negatibong mga impluwensiya.

Hinahatulan ng isang tao ang iba batay sa kung ano ang tingin niya dito.
Pero ano nga bang mapapala ng isang tao sa pagtingin niya dito?

Malawak ang kaisipan ng taong may bukas na isipan.
Ngunit kapuwa mabuti at masama ang maaaring pumasok kung mananatiling bukas ang mga pintuan.

Scroll to Top