Walang-Hanggang Layunin | Pilot Chapters
Ang Simula
by The Editor
Settings of the Story: It was year 14,480 C.E., sa Amazon Forests.
Short notes to remember:
Sa kuwentong ito, gagamitin ko ang eternal ages [e.a] (kapalit ng ‘yrs. old’) para sa mga karakter. Ang 1 to 99 ay young ages [y.a.] Ang 100 to 999 naman ay counting ages. [c.a.] Ang 1000 pataas naman ay eternal ages [e.a.].
Ilan sa mga Pangunahing Karakter:
Mario, 13550 [13 e.a.]
Thomas, ages 8780 [8 e.a.]
Cynthia, ages 6770 [6 e.a.]
Jobs, 7280 [7 e.a.]
Charlie, 680 [6 c.a.]
Maagang bumangon si Mario mula sa kaniyang hinihigaan. Nakahanda na ang mga bagahe niya. Ito ang araw na pupunta siya at ang kaniyang mga kasamahan sa kagubatan ng Amazon para maghanap muli ng bagong species ng mga halaman. Matagal na nila itong ginagawa sa loob ng libo-libong taon pero palagi silang nakakatuklas ng mga bagong halaman. Ang mga impormasyong nakukuha nila ay masusing pinag-aaralan. At ang mga impormasyon namang iyon ay ibinibigay sa Universal Research Department (URD) na siyang ipadadala naman sa Writing Committee.
Si Mario, 13 e.a, ay bahagi ng Universal Researchers (URs), sa sangay ng Pransiya, at nakapagtrabaho na siya sa ilang mga departamento nito gaya ng Botany and Biomimicry Department (BBio Dept.) at Zoology Department (Zoo Dept.)
Ang kanilang departamento ay dinisenyo upang makapagbigay ng mga impormasyon hinggil sa buhay ng mga halaman, kung anong naibibigay nito sa katawan ng mga tao at mga hayop, kung paano ito nabubuhay sa kapaligiran, at kung saan ito tumutubo at nabubuhay. Ang mga departamentong ito ang nasa likod ng mga aklat na The Green World vol. 1 to Volume 10, at aklat na The Universe of Insects Vol. 1 to 6.
Gustong-gusto talagang pag-aralan ni Mario ang mga halaman at mga insekto kahit noong nasa Lumang Sistema pa siya.
Ilan sa mga kasama ni Mario ay sila Thomas Rayleigh, 8 e.a., na taga Colorado, si Cynthia Pilar, 6 e.a., na taga-Italy, at si Jobs Tennase, 7 e.a., na taga-Canada, at si Charlie, na pinakabata, 6 c.a, na mula sa China. Si Mario ay isa sa mga guide nila ngayon sa paglalakbay nila sa Amazon, pero siya ang main researcher ng grupo. Sila Cynthia, Thomas, Jobs at Charlie naman ang ilan sa mga baguhang researcher na tine-train ni Mario.
Nasa Departure area na sila habang hinihintay na dumating ang Airships. Dala ang mga bagahe, handa ng umalis ang grupo. Saglit na tinipon ni Mario ang grupo niya.
“Good Day Brothers and Sisters! Tayo-tayo ang magkakasama sa Ship. Tayong mga lalaki ang magkakasama siyempre. Pero si Sister Cynthia naman ay doon muna sasama sa ibang mga sister, sa isang grupo. Pagdating natin sa Airport, dederetso tayo agad sa Exit 2, gaya ng sabi sa tagubilin, dahil nandoon nag-aabang ang mga kapatid mula sa Amazon Research Department. Karaniwan naman ng may sasakyan nang nag-aabang sa atin papunta sa Site. Excited na ba kayo?”
“Oo naman, Captain!” biro ni Charlie.
Masayang sumang-ayon ang grupo ni Mario sa kaniya. Bakas sa mga mukha nila ang pananabik na makasakay sa Airship at makapunta sa kanilang mga atas. Kasama din nila ang iba pang grupo na pupunta din sa Site para sa research na gagawin sa Amazon Forests. Anim na grupo na may tig-limang mga miyembro ang inatasan ng Botany and Biomimicry Department (BBio Dept.) na magsaliksik sa Amazon Forests. Ang bawat grupo ay may kani-kaniyang gawain: ang isa ay para sa pagtuklas ng mga bagong specie ng halaman sa kalupaan ng Amazon, ang isa naman ay para sa mga specie ng halaman sa mga ilog at sapa nito, at ang isa naman ay ang grupo na nagpapadala ng mga impormasyon sa BBio Dept. Ilan lang iyan sa mga atas ng mga grupong ipinadala sa Amazon.
Habang nasa himpapawid, tanaw nila sa ibaba ang napakagandang mga bulubundukin. May mga ibon din na sumasabay sa paglipad ng Airship kaya kitang-kita ang ganda ng mga ito kapag nakalalapit ang mga ito. Maaliwalas ang biyahe nila dahil wala na’ng turbulences na nararanasan sa bawat paglipad ng mga Airship. Nakatanaw lang ang mga pasahero sa labas habang nasa himpapawid sila. Malinaw nilang nakikita ang mga dinadaanang lugar ng Airship dahil sa transparent glass nito sa magkabilang gilid ng Airship. Napakatibay ng mga glass na iyon kaya kahit nasa himpapawid sila, kinakaya nito ang pressure ng hangin.
Pagpasok sa loob nito ay may kani-kaniyang kuwarto ang mga pasahero. Kadalasan na, ang disenyo ng mga kwarto ay pang-grupo dahil madalas na ginagamit ang Airship para sa mga ipinadadalang mga Researcher at Overseers. Sa magkabilang side, sa loob ng Airship, ay makikita ang deck nito na nagsisilbing daan naman para sa mga pasahero papunta sa kanilang mga kwarto. Pero ang deck, ang pinakagustong spot ng mga sumasakay sa Airship dahil kitang-kita nila kung ano ang mga nasa labas. Tanaw na tanaw nila ang ganda ng kalangitan, ang dagat ng mga ulap, ang kalmadong langit. Sa ibaba naman ay ang Paraiso. Kitang-kita ang mga nagtatakbuhang kabayo, ang mga elepante na naglalakad o umiinom ng tubig sa ilog, o ang mga leon na nagpapahinga sa madamong mga lupain.
Nakarating sila sa Cuiabá Airport ng mga bandang 2 ng madaling araw. Nag-aabang na ang mga sasakyang maghahatid sa kanila sa Amazon Research Department (ARD). Agad silang sinalubong ng mga kapatid mula sa ARD.
“Brother Mario, salamat sa muling pagpunta dito!”
Pagbati ni Mark Zinreís, isang researcher sa ARD.
“Kumusta ang biyahe ninyo? Mukhang may mga bagong kapatid ka ulit na isinama ah.”
“Oo, sila yung mga bagong inatasan ng Samahan para tumulong sa gawaing pananaliksik” sagot ni Mario, na masigla pa din kahit inaantok na.
“Mahaba-haba ulit magiging biyahe natin nito papunta sa Site pero okay lang, mahaba-haba din ang mapagkukuwentuhan natin” pabirong sinabi ni Mark.
“Sino ‘tong kapatid na kasama mo? Mukhang may bago kang assistant ah?” tanong ni Mario.
“Ah. Si Claus Laudburgh, taga-London. 70 years ko na siyang kasama sa ARD.” sagot ni Mark.
“Kumusta po mga kapatid?” ang bati naman ni Claus.
Kinamayan niya ang mga kapatid, at ganoon din ang ginawa ng mga kapatid sa kaniya.
“Nasaan na pala si Brother Lloyd?” tanong ni Mario.
“Nalipat na siya kuya ng Department. Kinailangan muna siyang kunin sa Zoology Department, sa sangay ng Tsina.”
“Aaahh. Di ba’le, pagkuwentuhan natin ‘yan habang nasa biyahe.” Nakangiting sagot ni Mario.
“Oh, paano, puwede na tayong umalis, kanina pa naghihintay ang mga sasakyan natin papunta sa Site” aya ni Mark na sabik na din makabalik sa Site.
—
Magtatanghali na ng dumating sa Site ang mga grupo. Nagpahinga muna sila roon ng mga tatlong araw bago sila dineploy sa mismong Amazon Forests.
“Bro Mario, ilang taon ka ng pabalik-balik dito sa Amazon?” tanong ni Jobs.
“Every 100 to 300 years naman kami bumabalik dito. Inaabot kami minsan ng 40 to 100 years kapag may mga pinag-aaralan kaming mga bagong specie ng halaman o insekto” sagot ni Mario.
“Ilang taon lang pala” susog ni Thomas.
“Pero, karaniwan na, iilang halaman at insekto lang ang napag-aaralan namin. Kapag bumabalik kami dito, kadalasan ng may natutuklasan kaming bagong mga halaman o kung hindi man, yung mga na-discover na namin 100 years ago, eh nag-adapt naman sa ibang environment, or nagkaroon na ng mga pagbabago. Kaya, panibagong mga taon at pagsasaliksik ulit iyon, para mai-update yung mga information sa mga dati ng nailathala.”
“Napakabusisi talaga ang pag-aaral sa mga halaman at insekto!” may pananabik na sinabi ni Charlie.
“Kuya Mario, mga ilang taon din kaya tayo dito sa Amazon?” tanong ni Cynthia.
“Depende sa mga impormasyon na kakailanganin natin at sa mga bagong information na makakalap natin” sagot ni Mario.
“Nitong nagdaang isandaang taon, maraming lumitaw na pagbabago sa Amazon. Talagang kailangang mabalikan para sa panibagong pananaliksik” dagdag pa niya.
—
Apat na araw na ang nakakalipas. Nakarating din sila sa kanilang destinasyon. Mayroong tent sa kanang bahagi kung saan sila bumaba. Naroon naghihintay ang mga miyembro ng Amazon Forests Reservoirs, or kilala bilang mga Reservist. Sila ang mga inatasan sa lugar na iyon, hindi para magbantay doon dahil sa may nag-aambang panganib, napakatagal ng panahon mula nung huling beses ang gayong banta sa buhay ng mga tao. Ang mga Reservist ang mga inatasang mag-asikaso ng mga pangangailangan ng mga kapatid na pumupunta roon upang magsaliksik. Sila ang nagpapadala ng mga kailangan ng mga kapatid na nagsasaliksik sa iba’t-ibang bahagi ng Forests.
(Itutuloy…)