Poem

Misyon

Lean

Ikaw ay aking ipininta,
Ang larawan mo, oh aking sinisinta.
Ang pangako nating hihintayin ang isa’t-isa,
Alam kong mangyayari ito sa tamang panahon na.
Napakahusay mong babae,
‘Yan ang nagustuhan ko sa’yo sinta.
Ngunit malayo ka pa,
At hihintayin kita.

Oh Ginoo ko,
Nagustuhan ko din ang tulad mo.
Alam kong mahal mo ako,
Kaya ibinibigay ko ang pagmamahal ko sayo.
Nakita ko ang pagsisikap mo,
Upang makuha mo ang puso ko.
Kaya bilang sukli,
Ay ibinibigay ko ang aking Oo.

Binibini kong kay ganda,
Ika’y tulad ng bala.
Napakalakas sa akin ng iyong tama,
Kumikislap ka sa bawat pikit ng iyong mga mata.
Ang iyong buhok ay tulad ng gintong sintas,
Ang halimuyak nito’y hindi kumukupas.
Ang mga katangian mo’y
tunay ngang busilak at napakaganda,
Handa mo ba akong pakasalan at mapangasawa?

Ginoo kong kay guwapo,
Nararapat nga ba ako sa’yo?
Ika’y napakaperpekto,
At talagang mahal na mahal mo ako.
Bawat kumpas ng kamay mo,
Napapakilig mo ang puso ko.
Alam kong hindi ka tulad ng iba,
Alam kong sobra ang pagsinta mo.

Binibini kong kay ganda,
Hindi pa panahon para tayo’y magkasama.
Alam kong mahirap itong tanggapin,
Ngunit malapit na ang oras na ibibigay ni Jehova.
Malapit na iyon mahal ko,
Huwag kang bibitaw sa aking puso sinta.
Tandaan mo palagi na mahal na mahal kita.

Ginoo kong kay guwapo,
Alam na alam ko iyon, Oo.
Ako’y maghihintay para sa’yo,
Nakalaan na ang puso ko para sa’yo.
Katulad mong nagmamahal sa tulad ko,
Hinding-hindi ko bibitawan ang tulad mo.
Hihintayin mo ang panahon na iyon mismo,
At katulad mo’y kay Jehova muna tayo.

Binibini kong kay ganda,
Wala nang makakahigit kay Jehova.
Alam niya ang pagsinta nating dalawa,
Kaya sana’y ikaw na ang ilaan niya.
Ipapanalangin kita sa kaniya,
Hihilingin ko palagi na nasa mabuti ka.
Maging mabuti kang Misyonera’t,
Lingkod niya sa mahabang panahon pa.

Ginoo kong kay guwapo,
Ikaw din ay ipapanalangin ko.
Na sana’y ikaw ay maging ligaya ko,
Hanggang sa huling hininga ng mundong ito.
Ipapanalangin ko din ang kabutihan mo,
Maging mabuti ring misyonero.
Alam kong ika’y may pribilehiyo,
Dahil si Jehova’y mahal mo.

Binibini kong kay ganda,
Maghintay lang tayong dalawa.
Kahit na ito’y kailan pa,
Huwag ka nawang maghanap ng iba.
Umasa ka palagi kay Jehova,
Huwag ka ring manghihina sa kaniya.
Andito ko palagi’t tutulungan kita.
Kasama ko si Jehova at susuportahan kita.

Ginoo kong kay guwapo,
Oo maghihintay ako sa’yo.
Aasahan kita sa lahat ng pagsisikap mo.
Bawat tula mo sa aki’y,
Ituturing kong mga Ginto.
Papahalagahan ko lahat
ng mga pagsisikap mo.
Hindi ako manghihina mahal ko,
sapagkat alam ko na nandiyan ka,
At si Jehova rin na Diyos ko.

Gusto ko na ikaw na talaga,
Ngunit si Jehova lang ang magpapakawala.
Magpapakawala ng oras at panahon,
Para sa ating dalawa.
Di ako mag-aatubiling puntahan ka,
Kapag inilagay na sa puso ko iyon ni Jehova.
Alam kong maghihintay pa,
Kaya si Jehova muna ang dapat mauna.

Kung loloobin binibini,
Iyan ang aking ipapadama.
Ngunit unahin na muna natin si Jehova.
Ministro ako’t ika’y Misyonera.
Tayo’y maglilingkuran na magkasama,
Kaya’t ika’y maghihintay na.
At kung loloobin ni Jehova,
na ika’y aking mapangasawa.
Handa kitang pasanin,
At hindi kita sasaktan.
Isasayaw kita hanggang sa walang-hanggan.

Scroll to Top