Realizations and Learnings
Sisidlan at Ilaw
Sa lahat ng iba pa, siya ang isa na masasabi kong walang katulad.
Kaya niyang magluto, mag-asikaso ng almusal, paliguan ang mga bata, ihatid at sunduin sila sa paaralan. Kaya niyang alagaan sila, protektahan sa umaaway sa kanila, at pagsabihan sila.
Mula pagkabata, siya na ang maliwanag na nagbibigay-liwanag sa tahanan. Kapag nagkakasakit siya, tila dumidilim ang mundo.
Siya ang hinahanap ko, at hinahanap mo kapag dumarating ka sa bahay. Hindi ko kayang gawin ang mga bagay na nagagawa niya.
Napakahusay niya kahit hindi siya perpekto.
Mahal niya kami.
Mahal niya tayo.
Kapag nasasaktan siya ay nasasaktan din tayo.
Kapag may problema siya, nalulungkot din tayo.
Hindi niya sinasabi kapag pagod na siya. Ang kasipagan niya ay mababakas sa kaniyang mga mata, at mga kamay.
Paano ko iyon masusuklian? Paano natin iyon masusuklian?
Ano pa ang naiisip mong kaya niyang gawin?
Kaya din ba nating gawin ang mga bagay na iyon?
Inilarawan siya bilang mas mahinang sisidlan.
Ngunit wala siyang katulad pagdating sa kasipagan.
Siya ang aking, ang iyong, ang ating, at minamahal, at nag-iisang ina.